MENU

 

 

Author: Marites C. Batac, SRS-II, Scholarship

Ang taunang pagdiriwang ng Linggo ng Agham at Teknolohiya  ay idaraos sa ika-29 ng Nobyembre hanggang ika-2 ng Disyembre, 2022 ayong sa pahayag ng Kagawaran ng Agham at Teknolohiya sa Region 3.

Ang pagdiriwang ay nakatuon sa temang, :Agham at Teknolohiya: Kabalikat sa  Maunlad at Matatag na Kinabukasan.”

Ilan sa mga inihandang programa sa apat na araw na pagdiriwang ay ang SETUP forum na kung saan bibigyang halaga ang mga natatanging small and medium enterprises (SMEs) sa rehiyon. Kabilang dito ang pagkilala sa mga SMEs na umunlad ang negosyo dahil sa paggamit ng mga inobasyon sa teknolohiya na nakatulong sa kanilang pag lago.

Magkakaroon ng mga seminars na kung saan inanyayahan ang iba’t-ibang sektor tulad ng industriya, academia, at iba pang sangay ng pamahalaan na may programang ipinapatupad patungkol sa pagpapaunlad ng mga SMEs.

Kabilang din ang isang exhibit ng mga teknolohiya at inobasyon sa larangan ng pagtugon sa mga sakunang dulot ng mga kalamidad.

Matutunghayan ang lahat ng ito sa Orchids Gardens, Siyudad ng San Fernando, Pampanga. Sa mga nagnanais na makilahok, magpunta lamang sa DOST Region 3 facebook page sa mga detalye kung paano.